GOOD NEWS EC SSS AND GSIS PENSIONERS! 20K CASH ASSISTANCE NGAYONG JUNE NA IBIBIGAY!

 


Magandang Balita para saating mga EC SSS AT GSIS PENSIONERS dahil naglabas na ng anunsyo ang Dole Secretary at ECC Chairman Silvestre Bello III na maaari nang matanggap ng mga EC Pensioners ang P20,000 Pesos One Time Cash Assistance para sa mga Ec Qualified Pensioners.

Ayon sa sa kanilang report, posibleng matanggap na ng mga EC QUALIFIED SSS AND GSIS PENSIONERS ang P20,000 Pesos Cash Assistance ngayong 3rd week ng June 2021.

Matatanggap nila ang Cash Assistance gaya ng pag tanggap nila ng kanilang Ec Pension kada buwan na ipapasok sa kanilang mga atm.

Ang P20,000 Pesos One Time Cash Assistance Ay isang administrative Order No. 39 Na pinirmahan ni Pangulong Rodrigi Duterte Noong April 19, 2021 na kung saan Naguutos sa ahensya ng ECC o EMPLOYEE COMPENSATION COMMISSION na bigyan ang higit kumulang na 32,000 EC SSS at GSIS pensioners.

Ang Ahensya ng ECC o EMPLOYEE COMPENSATION COMMISSION  ay naglabas ng P600 million na pondo para ma covered nito ang lahat ng mga Kwalipikadong EC Pensioners

Ayon naman kay ECC EXECUTIVE DIRECTOR STELLA ZIPAGAN BANAWIS hindi na kailangan mag apply ng Cash Assistance ang mga kwalipikadong pensioners para makakuha ng P20, 000 pesos Cash Assistance dahil pareho lang ang pag proseso katulad ng kanilang Ec pension.

Ang mga kwalipikadong EC Pensioners ay dapat ay active sa SSS mula january 01, 2020 hanggang May 31,2021 with at least one (1)  month Ec Permanent partial Disability (PPD) Pension, EC Permanent Total Disability  (PTD) pension, EC Survivorship pension.

Malaking Tulong ito sa mahigit na 32,000 EC Pensioners na lubos na naapektuhan ang pamumuhay kahit hindi pa tumatama ang pandemya dahil sila ay naging disable at namatayan ng mahal sa buhay, kaya naman ngayong pandemya ay binigyan sila ng tulong ng Gobyerno para sa kanilang pangangailangan pinansyal araw araw.

Ngunit sana ay huwag pa rin kalimutan ng ating Gobyerno ang ating mga SSS at GSIS regular pensioners na patuloy na nakakaranas ng epekto ng pandemya, lalo lalo na hindi pa rin naibibigay ang kanilang 2nd tranche increase na 1k .

_________

BY: VINZ WORLD

BLOGGER

Mga Komento

  1. Sana Hindi lang mga EC pensioners ang ayudahan dahil kaming mga SSS pensioners ay Maliit lamang ang monthly pension na tinatanggap. Sana makita Ito Ng mga kina-uukulan upang pag aralan at mabigyan din kahit konting ayuda. Ang Mahal Ng mga gamot at vitamins. Salamat sa Diyos.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SENIOR CITIZEN SSS AND GSIS PENSIONERS HINDI KASAMA SA MGA AYUDA NG GOBYERNO

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA