UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA


 Ito naba ang sagot sa mga hinaing ng ating mga Senior Citizen sa ating bansa?

Ang ating mga Senior Citizen Pensioners ay hindi na makapaghintay kung kailan maipapatupad ang SSS 1k pension increase @nd tranche lalo na't ilang taon na nila ito hinihintaynpagkatapos mapirmahan ni pangulong Duterte noong 2016 ang isang Executive Order na nag uutos sa SSS na magbigay ng Karagdagang P2,000 pesos na Increase sa lahat ng mga SSS Pensioners. 

Noong january 2017 ay agad na naipamahagi ang 1st tranche na P1,000 pesos increase sa mga pension ng lahat ng mga SSS pensioners at nagbigay ngpahayag ang SSS nuon pa man na ibibigay nila ang 2ng tranche ng SSS P1,000 pension 2nd Tranche increase sa taong 2019 ngunit lumipas na ang taon ay hindi naibigay ang dagdag na pension.

Ayon sa huling Pahayag ni SSS President Aurora Ignacio na walang  legal basehan ang pangalawang bugso ng pension increase na  P1,000 dahil maaapektuhan ang Life Insurance Fund ng ahensya kung ibibigay ang 2nd tranche na pension ncrease.

kaya naman maraming mga Senior SSS Pensioners ang nagalit sa pahayag nito ni SSS president  Aurora Ignacio.

Ilang taon na ang nakakalipas at tumama pa ang Pandemya kaya naman siguro ito na ang tamang panahon at oras para pag isipan ng kongreso, senado at ni pangulong Duterte na madaliin na isabatas ang napakaraming Senatae bill at House Bill tungkol sa UNIVERSAL SOCIAL PENSION BILL o USP na kung saan hanggang ngayon at nakabinbin pa rin sa senado at kongreso ang nasabing Bill.

Malaking Tulong Ito para sa ating mga Senior Citizen Pensioners dahil Sa ilalim ng mga Provision ng mga iabat ibang Bersyon ng UNIVERSAL SOCIAL BILL mabibigyan o mapapasama ang lahat ng mga Senior Citizen may pension man o wala.

Kung maisasabatas ang Universal Social Pension Ay mabibigayan ng P1,000 pesos ang lahat ng mga Senior Citizen sa pilipinas  may pension man o wala, at ang Gobyerno at maglalaan ng Pondo bawat taon sa ialim ng universal social Pension kung maisasabatas ito at hindi na pwedeng gawing rason ng ibang Ahensya na maapektuhan ang pondo dahil ito ay batas na may nakalaang pondo.

Sa kasalukuyang merong Social Pension program sa ilalim ng batas ng EXPANDED SENIOR CITIZEN ACT OF 2010, na kung saan sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ang lahat ng mga kwalipikadong Indigent Senior Citizen ng P500 pesos monthy Allowance.

Dahil sa limitado lamang ang Covered na mga Senior Citizen sa ilalim ng social Pension program ay mga mga Requirements o Qualification Dapat ang isang Senior bago mapasama sa nasabing Programa.

Isa na dito dapat ang Senior at walang natatangagap na kahit anong Pension galing sa sss at gsis ibig sabihin ang lahat ng mga SSS at GSIS PENSIONERS ay hindi pwedeng mapabilang sa Programang ito.

Kaya naman malaking tulong sa mga Senior Citizen pensioners ang Universal Social penion Bill kung maisasabatas ito dahil mapapabilang sila dito habang hindi pa naibibigay ang dadag pension galing sa sss.

kaya sana mabuksan ang isipan ng ating Kongreso at Senado na gawing prioridad ang pag pasa ng UNIVERSAL SOCIAL PENSION para sa lahat ng mag Senior Citizen dahil sila ang mas higit na naapektuhan ng epekto ng Pandemya.

_____________

BY: VINZ WORLD

VLOGGER

Mga Komento

  1. ANG TANONG KAILAN PA KAYA AANHIN ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SENIOR CITIZEN SSS AND GSIS PENSIONERS HINDI KASAMA SA MGA AYUDA NG GOBYERNO

GOOD NEWS EC SSS AND GSIS PENSIONERS! 20K CASH ASSISTANCE NGAYONG JUNE NA IBIBIGAY!