CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF SSS 1K INCREASE BY SENIOR CITIZEN PARTYLIST

 

Alam mo ba na may Representative sa kongreso ang mga Senior Citizen para ipanawagan ang Pag rerelease ng SSS P1,000 2ND TRANCHE INCREASE Sa gobyerno.

Sa kasalukuyang 18th Congress sa kongreso, ang mga Senior Citizen ay may Representative sa kongreso kung saan tinatawag itong HOUSE OF REPRESENTATIVE SENIOR CITIZEN PARTY LIST.

Sila ang mga Senior Citizen party list sa kongreso na may kapangyarihan na mag file ng mga bill para sa kapakanan ng mga Senior Citizen para talakayin sa kongreso at kung maaprubahan ay magiging batas.

Ngayong 18th Congress sa Kasalakuyan ang ating tagapagtanggol sa Kongreso ay si HOUSE OF REPRESENTATIVE SENIOR CITIZEN PARTY LIST MR, RODOLFO M. ORDANES.





Pinalitan niya ang dating habang nasa pwesto na si dating HOUSE OF REPRESENTATIVE SENIOR CITIZEN PARTYLIST MR, FRANCISCO DATOL JR na namatay nakaraang taon aug 10,2020 dahil sa covid 19 virus.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng representative sa kongreso dahil sila ang itinalaga para mag pasa ng mga batas para sa ating mga senior citizen, sila din ang boses ng mga ordinaryong senior citizen para mapakinggan sa gobyerno dahil ang mga Ordinaryong Seniors ay hindi madaling mapakinggan sa kanilang mga hinaing .

Sa kasalukuyan mula siya ay naupo sa pwesto bilang HOUSE OF REPRESENTATIVE SENIOR CITIZEN PARTY LIST marami na siyang naifile na bill sa kongreso para sa kapakanan ng mga     Senior Citizen ng pilipinas.

Sa kasalukuyan ang pinaka importanteng finile niyang bill na para sa mahigit 2.2 million na mga SSS SENIOR CITIZEN PENSIONERS na hanggang ngayon ay naghihintay ng 2nd tranche na 1k increase ay ang.


HOUSE BILL  NO. 01366

Date Filed: 2020-11-18

Full Title: RESOLUTION CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF THE SECOND TRANCHE OF THE APPROVED INCREASE IN SOCIAL SECURITY PENSION UNDER THE SOCIAL SECURITY ACT OF 1997 BY THE SOCIAL SECURITY SYSTEM (SSS)


Date Read: 2020-11-23

Bill Status: Pending with the Committee on GOVERNMENT ENTERPRISES AND PRIVATIZATION since 2020-11-23


Napakalaking tulong itong bill na ito na kung sakaling maisabatas at mapakinggan ng ating pangulo para maging isang batas muli.


Dahil nuong 2016 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na nag bibigay ng P2,000  pesos increase pension sa lahat ng mga SSS PENSIONERS ngunit tanging P1,000 pesos increase lamang ang naibigay hanggang sa kasalukuyan.


 Dahil ayon sa SSS ang sa ilalim ng executive order na napirmahan ay nakalagay dun na ang pamamahagi ng P1,000 pesos 2nd tranche increase ay depende sa availability ng pondo ng ahensya,

nakasaad din dito na dapat ay maibigay ito bago sumapit ang taong 2022.


Ngunit ayon sa huling pahayag kay SSS PRESIDENT & CEO AURORA IGNACIO na ang walang legal na basehan ang pagbibigay ng 2nd tranche increase 1k pension.

 

Sa pahayag nito ni SSS PRESIDENT IGNACIO maraming mga Pensioners ang nagalit at nadismaya sa kasalukuyang pahayag ng SSS PRESIDENT.


Kaya naman hindi tumitigil ang ating HOUSE OF REPRESENTATIVE SENIOR CITIZEN PARTYLIST MR , RODOLFO ORDANES na kalampagin ang gobyerno at sss para sa 2ng tranche na dagdag pension.


Sumulat na rin siya kay SSS PRESIDENT IGNACIO para ipanawagan ang agarang pagbibigay ng dagdag pension.


Ito ang patunay na kailangan ng may marami at makapangyarihang tao sa gobyerno upang mapakinggan o maisabatas ang isang House bill Resolution na fina file ng mga kongresista.


BY: VINZ WORLD

BLOGGER

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SENIOR CITIZEN SSS AND GSIS PENSIONERS HINDI KASAMA SA MGA AYUDA NG GOBYERNO

GOOD NEWS EC SSS AND GSIS PENSIONERS! 20K CASH ASSISTANCE NGAYONG JUNE NA IBIBIGAY!