UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN MAY PENSION MAN O WALA!

 


Isa ka bang SSS o GSIS PENSIONERS na hindi pwede mapabilang  sa SOCIAL PENSION PROGRAM  ng gobyerno dahil isa sa mga kwalipikasyon para mapabilang dito ay dapat wala kang natatanggap na kahit anong pension sa ibat ibang ahensya sa gobyerno.

Ito ang laging nagiging problema ng nakararaming mahihirap na mga pensioners ng ating bansa dahil napagkakaitan sila sa ibang programa ng gobyerno.

Huwag ka mag alala dahil ang kongreso ay nakatanggap na ng isang Bill na tinatawag na UNIVERSAL SOCIAL PENSION BILL o USP na kung saan ang programang ito ay sasakupin ang lahat ng mga Senior Citizen ng ating bansa may pension ka man o wala.

Nakaraang taong lamang ay nag File ng pruposed measure si AKO BICOL REPRESENTATIVE ALFREDO GARBIN ng bagong bersyon ng kasalukuyang Social Pension Program na tatawaging UNIVERSL SOCIAL PENSION O (USP) Republic act 9257 sa ilalim ng kasalukuyang batas na Republic Act 9994 o may kilala sa tawag na Expanded Senior Citizen Act of 2010.

Ayon kay Ako Bicol Representative Alfredo Garbin ang kongreso ay kasalukuyang nang tianatalakay o dinidinig sa plenaryo ang bagong Universal Social Pension Bill.

Ang Osca o ORGANIZATION OF SENIOR CITIZEN AFFAIRS ng ibat ibang mga lungsod ay suportado na maisabatas ang Universal pocial Pension Bill.

Kung maisasabatas Ngayong taon 2021 ang Universal Social  Pension Bill ang kasalukuyang P500 pesos kada buwan na natatanggap ng mga Indigent Senior Citizen ay magiging P1,000 pesosn at dahil sa Bagong Bersyon ng Social Pension hindi lang mga Indigent Senior Citizen ang magiging sakop ng Universal Social Pension Bill.

Maging ang lahat ng pilipino na aabot sa edad na 60 taong gulang pataas kasama na ang mga Senioe Citizen SSS at GSIS PENSIONERS ay mapapabilang dito.

Kapag naging batas ang UNIVERSAL SOCIAL PENSION BILL ang National Goverment ay maglalaan ng P100 Billion pesos kada taon para mabigyan ang halos 8.7 million na mga Senior Citizen ng bansa.

Malaking tulong ito sa lahat ng ating mga Senior Citizen na kasalukuyang nakararanas ng epekto ng pandemya sa ating bansa.

Maging sa ating mga Senior Citizen na mga Pensioners na ay malaking tulong sa kanila na mapabilang sa Programang ito ng gobyerno dahil ngayong pandemya ay napagkaitan sila ng ibat ibang ayuda dahil ang ang maling guidelines para sa mga senior na may pension ay hindi pwede mabigyan tulad ng sap 1 &2.

Maging ang ilang taon nang hinihintay na SSS 2nd tranche P1,0000 Pension Increase ay patuloy na inaaantay ng ating mga Senior Citizen Pensioners at sa kasalukuyan at mukhang malabo pa maibigay. 

Tandaan natin ang kasabihan na "AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO".

_________________

By: VINZ WORLD

BLOGGER   

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF SSS 1K INCREASE BY SENIOR CITIZEN PARTYLIST

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA