SENIOR CITIZEN SSS AND GSIS PENSIONERS HINDI KASAMA SA MGA AYUDA NG GOBYERNO



 Isa Kaba sa mga Senior Citizen na napagkaitan ng ayuda ng gobyeno dahil meron kang natatanggap na pension mula sa SSS at GSIS?

isang sistema na nuon pa nangyayari hanggang sa kasalukuyan na naging tradisyon na ng ating pamahalaan na sa tuwing m
ay dumarating na ayuda, programa ay laging may pinipili at hindi napapasama ang ating mga senior citizen na may mga pensyon.

Halimbawa na lang dito ang "SOCIAL PENSION" isang programa ng pamahalaan para sa mga piling indigent senior citizen. Matagal nang naipatutupad, ang programang ito na kung saan hindi pwede mapabilang ang mga senior citizen na may natatanggap na pension sa sss at gsis.

ang SOCIAL PENSION PROGRAM na para sa mga indigent senior citizen na nakakatanggap ng 500  pesos kada buwan at 6,000 pesos kada taon na allowance mula sa national goverment.

isang programa na hindi naging patas para sa mga senior citizen pensioners dahil higit sa kanila ay nakakatanggap lamang ng  limang libo pababa na pension na kung saan sapat lamang para sa kanilang maitenance na gamutan kada buwan.

ang pension na kanilang natatanggap kada buwan ay hindi ayuda na galing sa gobyerno, ito ay ang pera na galing sa kanilang dugot pawis na pinaghirapan nung silay nag tatrabaho pa, o kayay galing sa mga pension ng kanilang asawang namayapa.

ngunit mas lalong naging mahirap ang buhay ng ating mga senior citizen pensioners nung dumating ang pandemya, na kung saan isang taon silang nakakulong sa kanilang mga tahanan , dahil isa sila sa mga delikado na mahawaan ng sakit na covid 19, 

ang gobyerno ay naglabas ng malaking pondo para matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya, ang sap 1 at sap 2, social amelioration program na P8,000 pesos kada pamilya ang mabibigyan at pinamahagi sa mga piling benipisaryo ngunit sa kasamaang pagkakataon hindi nakatanggap ang ating mga senior citizen na may mga pension ayon sa guidelines ng sap benificiary.

Sa kasalukuyan, ay patuloy silang nag naghihintay ng SSS P1,000 INCREASE 2ND TRANCHE na hangang  nagyon ay hindi naibibigay.

ang blog ko na ito ay nag papakita kung gaano hindi naging patas ang mundo sa ating mga senior citizen pensioners nuon pa hanggang sa ngayon.

para may malinawan ang mga tao sa gobyerno eto lang naman ang ipinagkait natin sa ating mga mahal na senior citizen

1. SAP 1

2. SAP 2

3. SOCIAL PENSION

4 SSS 1,000 INCREASE PENSION 2ND TRANCHE

DISCLAIMER! ANG BLOG NA ITO AY NAGPAPALIWANAG HINDI LANG SA  NANGYAYARI SA ILALIM NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON ITO AY NAUMPISANAHAN NA NUONG PANG MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON, AT PATULOY NA NANGYAYARI.

SANA AY MAMULAT ANG MGA TAO SA GOBYERNO NA BAGUHIN ANG GANITONG SISTEMA NG PAMAMAHAGI NG AYUDA O PROGRAMA HANGGANG SA MGA SUSUSNOD N MAMUMUNO NG ATING BANSA. GODBLESS EVERYONE

BY: BLOGGER VINZ WORLD


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA

GOOD NEWS EC SSS AND GSIS PENSIONERS! 20K CASH ASSISTANCE NGAYONG JUNE NA IBIBIGAY!