SENIOR CITIZEN NA MGA TAGA MAKATI NAKAKATANGGAP NG CASH GIFT KADA TAON

 Alam mo ba kung gaano kaswerte ang mga Senior Citizen sa lungsod ng Makati city?

Aba'y ikaw pa naman ay residente sa isa sa pinakamayamang lungsod dito ang Business Capital ng Pilipinas ang Makati city.

Maraming mga Lungsod sa ibat ibang parte ng bansa ang may sari sariling Ordinansa o mga Programa para sa kanilang mga Senior Citizen na nasasakupan upang Ibalik ang pangako na sinabi nila para sa kanilang mga nasasakupang mga Senior Citizen.

Ang isa sa mga Maswerteng mga Senior Citizen ay ang mga residente ng Makati city na kung saan meron silang natatanggap na CASH GIFT kada taon mula sa kanioang municipyo depende sa Age Bracket.

Bago pa man dumating ang pandemya ang Blue Card Program sa Pamumuno ni Mayor Abby Binay ay pinatutupad na na kung saan ang lahat ng Senior Citizen Depende sa age bracket ng Makati city na may Blue Card ay makakatanggap  ng CASH GIFT kada taon.

Ang lungsod ng Makati City ay nag lalaan ng pondo kada taon sa mahigit na 79,000 na mga Senior Citizen ng lungsod sa ilalim ng Blue Card Program.

Ang mga Senior Citizen ng Makati City na sakop ng Blue Card Program ay nakakatanggap ng...

P3,000 Pesos sa pagitan na edad na 60-69 years old.

P4,000 Pesos sa pagitan na edad na 70-79 years old.

P5,000 Pesos sa pagitan na edad na 80-89 years old.

P10,000 Pesos sa pagitan na eada na 90-99 years old.

P100,000 Pesos sa mga aabot sa edad na 100 years old o Centenarian.

Natatanggap ng mga Senior Citizen ang Cash Gift na hinahati sa 2ng tranche na bigayan na kung saan ang kalahati ay sa buwan ng June at kalahati sa buwan ng December.    

Ang Programang ito ng Makati city ay nagbibigay ng maagang tulong o regalo sa kanilang mga Senior Citizen na nasasakupan sa mas mababang edad na 60 years old.

Hindi maikakailang kaya makapag labas ng Malaking Budget ang Makati City Dahil ang kanilang Lungsod ang isa sa pinakamayamang Lungsod sa pilipinas.

Dahil sa kasalukuyan sa ilalim ng batas ng Centenarian Act ang Cash Gift ng National Goverment para sa mga Senior Citizen ay tanging mga aabot lang sa 100 years old o mga Centenarian ang mabibigyan ng P100,000 pesos.

Ngunit Kung ating titignan bibihira na lang ang mga Senior Citizen ang nakakaabot sa 100 years  old , lalo lalo na sa ngyaon sa panahon ng pandemya.

Sana ay higit na pag aralan ng ating Gobyerno kung paano na mas bibigyan ng tulong ang mas nakakaraming mga Senior Citizen na kung saan pwede nila pababain ang edad na mabibigyan ng Cash Gift sa ilalim ng batas na Centenarian act.

Marami pa ring mga ibat ibang Lungsod ang may sarisariling Cash Gift  na Programa sa kanilang mga Senior Citizen na nasasakupan ngunit mas Marami pa ring mga Senior Citizen ang walang natatanggap na kahit naong Cash gift mula sa kanilang Lungsod.

May kasabihan nga. "AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO"

__________________

BY: VINZ WORLD

BLOGGER

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN MAY PENSION MAN O WALA!

CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF SSS 1K INCREASE BY SENIOR CITIZEN PARTYLIST

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA