LISTAHAN SA PAMIMIGAY NG AYUDA , DOBLE DOBLE ANG PANGALAN AT MAGASAWA PA.

 



Isa kaba sa mga apektado ng pandemya at hindi naisali sa listahan ng inyong barangay sa bigayan ng Sap 1 at sap 2?

Ayon sa Department Of Social Welfare Development o DSWD ang pamimigay ng Ayuda na SOCIAL AMELIORATION PROGRAM o may kilala sa tawag na Sap 1 o Sap 2 ay may mga Guidelines kung paano o sino ang mga benipesaryo ang makakatanggap ng ayuda.

Isa na sa mga Qualification para makasama sa listahan ng pamimigay ng ayuda ay.

*Dapat isa ka sa mga nakahanay sa pinakamahirap na plipino.

* Dapat wala kang natatanggap na Pension sa kahit anong Goverment Agency.

*Isang benipisaryo lang kada pamilya.

at marami pang ibang guidelines...

Lahat ng ito ay pinagbasehan para ikaw ay mapabilang sa sap 1 at sap 2 na ayuda na pinamimigay.

Sa National Capital Region o NCRang bawat Benipisaryo ng SAP PROGRAM  ay makakatanggap ng P8,000 pesos at ang mga benipisaryo naman sa ibang mga karatig probinsya o ibang lugar sa pilipinas ay makakatanggap naman ng P5,000 pesos kada Benipisaryo.

Ito ay matatanggap nila ng Dalawang tranche sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

Ngunit ayon sa isang Concern Citizen ng isang barangay sa NCR na kung saan ipinost niya sa Facebook ang mga Listahan na may mga anomalya.

Ang mga anomalya na tinutukoyng isang Concern Citizen na nakuhaan ng litrato ang listahan na kung saan lumabas na meron mga Benipisaryo sa listahan ang mag-asawa na nakatanggap kung saan ayon sa Guidelines ng DSWD isang benipisaryo lamang kada pamilya.


Isa pa sa kanyang mga post na nag papakita sa ibang listahan na kung saan ang iba naman ay doble ang mga pangalan sa listahan ngunit ang number ay magkaiba.

halimabawa na lang numero ng mga Benipisyaro sa listahan na ito sa baba👇👇


1514 -TUAL ELAINE BACO

1515-TUAL ELAINE BACO

Makikita na magkaiba ang numero na dalawang tao ang benipisaryo ngunit kung ating susuriin ay 100% na magkapareho ang kanilang mga pangalan.

kung ganito ang nangyayari may numero na nakalaan sa isang Benipisayo kanino mapupunta ang isa pang ayuda kung magkapareho ang panagalan.

Bakit may mga pangyayari na mag asawa ay nabibigyan?

Bakit may mga pangyaymay dobleng panagalan ngunit magkaiba ang numero?

Sino ang dapat tanungin at sisihin sa mga ganitong pangyayari na sa makatuwid ay merong nangyayaring korapyon na kung saan marami pa ring mga higit na ngangailanagan ang hindi nabibigyan.

Sa panahon ng pandemya ay ang Gobyerno ay minadali na maisapasa ang batas na BAYANIHAN 1 AT BAYANIHAN 2 na kung saan napakalaking pondo ang nailabas ng ating Gobyerno para matulungan ang nakararaming naapektuhan ng pandemya ngunitmaraming mga anomalya ang nagyari sa ibat iabg barangay.

Kaya naman nitong mga nakaraang buwan ay nagalit si Pangulong Rodrigo duterte at isiniwalat niya ang mga barangay Official sa publiko na sangkot sa mga anomalya sa bigayan ng Sap 1 at sap 2, na kung saan nag palabas siya ng utos na suspidihin sa pwesto ang mga barangay official na nasa kanyang listahan  at kung mapapatunayan ay tuluyan ng maaalis sa pwesto at sasampahan ng mga kaso.

Maraming mga kababayan natin ang hindi nakatanggap ng ayuda na higit na nangangailangan lalong lalo na ang mga Senior Citizen na may kakapiranggot na pension na hindi isinama sa mga ayuda.

Ang mga ganitong maling Sistema ay dapat ng maputol at mabago. ang pagiging ganid at korap sa pwesto at may kapalit na "KARMA" na kung saan sisingilin ka ng tadhana hindi man ngayon, bukas , sa sunod na buwan o taon bka sa hindi mo na inaasahan na pagkakataon.

Maraming mga kababayan nating naghihirap sa buhay at higit na nangangailanagn ng tulong lalo lalo na ngayong pandemya, kaya sana naman ay mas makita pa ng ating Gobyerno ang mga higit na nangangailangan.

Huwag natin pababayaan ang mga buhay na nanghihingi na ng tulong sa mga oras na ito.

Huwag sana maging sakim ang ibang mga tao sa panahon ng pandemya dahil ang bawat isa sa atin ay may pamilya ding nangangailangan.

sabi nga sa isang kasabihan ng Community pantry. " KUMUHA AYON SA PANGANGAILANGAN, AT MAGBIGAY AYON SA KAKAYAHAN."

Patnubayan tayo ng panginoon at bigyan ng masaganang pamumuhay!!

__________

BY: VINZ WORLD

BLOGGER

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN MAY PENSION MAN O WALA!

CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF SSS 1K INCREASE BY SENIOR CITIZEN PARTYLIST

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA