Alam mo ba na ngayon ay kasalukuyan na tinatalakay sa Kongreso ang BAYANIHAN 3 na kung saan sa ilalim ng provision ng Bill na ito ay mabibigyan ng P1,000 pesos ang lahat ng mga Pilipino bawat isa ng dalawang beses o P2,000 pesos kada isang tao at walang pipiliin mahirap ka man nsa middle o mayaman.
Ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy na pinagaaralan ng mga Lawmakers ang nasabing Bill bago ito tuluyang maipasa sa kanilang Chamber o House of Representative at pagkatapos ay ifoforward ang Bill sa Senado upang talakayin muli kung sakaling maipasa ang BAYANIHAN 3 sa Senado ay tuluyan na itong ipapadala kay Pangulong Duterte upang mapirmahan at Ganap na maging Batas katulad ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2.
Mukhang malapit na at minamadali na ang pag pasa ng BAYANIHAN 3 BILL na kung saan malaking pondo ang ilalabas ng Gobyerno Upang ibigay sa mga ibat ibang Departamento ng Gobyerno para ipamahagi sa mga naapektuhan ng Pandemya.
Nakaraan lamang ay nag file ng House bill 8597 sa Kongreso si Taguig Representative Alan Peter Cayetano at tinatawag itong 10k ayuda bill na kung saan sa ilalim ng House Bill na ito mabibigyan ng P10,000 pesos ang bawat pamilyang pilipino o P1,500 pesos kada miyembro ng pamilya.
Minamadali na ng Kongreso pagpasa ng Bayanihan 3 Bill base sa gustong mangyari ng pangulong Duterte Upang mabigyan ng Tulong ang mga pilipinong patuloy na napektuhan ng pandemya hanggang sa kasalukuyan.
Nakaraang Linggo lamang ay Nagpatawag ng COMMITTEE WHOLE MEETING si Representative Alan Peter Cayetano sa Kongreso na kung saan kasama ng kanyang miyembro at ng buong kapulungan ang pagtalakay sa BAYANIHAN 3 BILL na minumungkahi niya na isama o ipasok sa Provision ng Bayanihan 3 bill ang kanyang House Bill na 10k ayuda upang mas madagdagan at mas malaki ang matatanggap ng ating mga kababayan.
Sinabi ni Cayetano na hindi ito tungkol sa pulitika ito ay tungkol sa mga pilipinong patuloy na naapektuhan ng epekto ng pandemya.
Remember: we only have two more weeks. Para umabot ito, kailangan next mag-Committee of the Whole na kami. Kaming grupo ng BTS sa Kongreso, willing kami magbabad ulit katulad ng Bayanihan 1 and 2,” he said, referring to the Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) movement in Congress.
Ang BTS o BALIK SA TAMANG SERBISYO ay Grupo sa Kongreso ng mga Mambabatas na kinabibilangan ni Cayetano.
Dagdag pa niya “Pero kung ito na naman mangyayari na apat na committee, etc.–tatagal tayo. Medyo mabigat. Even sa Bayanihan 1 and 2, napakarami gusto magsalita pero nagbigayan kami lahat para lang maipasa,”
“Mas may impact sa buhay ng tao ‘yung P10,000 per family because sapat ito na magbayad ng tubig, kuryente, [at] konting pagkain. Pero kung mga kalahati ng 10k, pwedeng ipangnegosyo,”
“I’d like to clarify [that] we are not against Bayanihan 3. Pabor kami sa Bayanihan 3. In fact, naliliitan kami sa pondong ‘yun. But napakaimportante sa amin na ‘yung unang bigay is ‘yung sa tao na direkta. Kasi kahit anong tulong mo sa negosyo, kung ang tao ay walang pera, wala ring customer ‘yung mga negosyo,”
Malaking Tulong para sa lahat ng mga Pilipino na hanggang Ngayon ay naaapektuhan ng pandemya Kung sa lalong madaling panahon ay maisabatas na ang Bayanihan 3 Bill at tuluyang nang maipamahagi ang mga Ayuda sa Lahat ng mga Pilipino na walang Pipiliin at tama ang Natatanggap.
Ano man ang mga Provision sa ilalim ng Bayanihan 3 Bill Ang pinakaimportante ay lahat ay mabibigyan lalong lalo na ang mga Senior Citizen Pensioners na Hndi nabigyan o napasama sa BAYANHIAN 1 at 2 dahil isa sa mga guidelines ng mga naunang ayuda ay hindi pwede mapabilang ang mga Pilipinong may natatanggap na Pension at ito ang sana mabagosa susunod na pamamahagi ng ayuda.
___________
BY : VINZ WORLD
BLOGGER
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento