ANUNSYO NG MALACANANG PARA SA BAGONG QUARANTINE STATUS NG NCR PLUS AT NG IBANG LUGAR SA PILIPINAS SIMULA BUKAS MAY 15, 2021

 


Alam mo ba may importanteng anunsyo ang Malacanang para sa pagbabago ng Community Quarantine Status sa ibat ibang parte ng ating bansa bukas May 15, 2021.

Inanusyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kagahapon na magkakaroon ng downgrade o pagbaba ng Community Quarantine Status sa NCR PLUS bukas Magsisimula May15, 2021 hanggang May31,2021.

Base sa Rekomendasyon ng  Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Palasyo ang NCR PLUS ay nakapag tala ng 16% na mababang kaso ng covid 19 sa Ncr at mga Karatig probinsya nito.

Inaprobahan ni Pangulong Duterte ang Rekomendasyon ng iba't ibang ahensya sa kanilang Meeting sa palasyo kung saan ang NCR PLUS o ang METRO MANILA, BULACAN, CAVITE, LAGUNA AT RIZAL ay ibaba sa mas mababang GENERAL COMMUNITY QUARANTINE STATUS WITH HEIGHTENED RESTRICTION simula May 15, 2021 hanggang May 31,2021.

Bukod sa Ncr Plus ang probinsya ng Abra ay ibinaba din sa GCQ mula sa dating MECQ status.

Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque malaki parin ang pag kakaiba ng General Community quaratine with Heightened Restriction sa Normal na General Community Quarantine dahil ang GCQ with heightened Ristriction ay may pinahigpit na GCQ.

Narito ang iba't ibang  Community Quarantine status sa ibat iabng lugar sa bansa.

Mananatiling MECQ O  MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE ang apat na probinsya ng  City of Santiago sa Isabela, Zamboanga City, Quirino, and Ifugao.

Dahil ayon Kay President Duterte ang apat na probinsya ang nanatiling mataas pa rin ang mga kaso ng Covid 19.

Ang mga Probinsya naman ng  Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur, and Puerto Princesa City ay isasailalim naman sa GCQ O GENERAL COMMUNITY QUARANTINE  hanggang may 31, 2021.

Ang mga nalalabi o natitirang parte na lugar ng bansa ay isasailalim naman sa mas maluwag na MGCQ O MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE.

Mga Guidelines sa GCQ WITH HEIGHTENED RESTRICTION.

*Tanging Essential Travel lamang ang papayagang pumasok at lumabas ng Ncr Plus Bubbles.

*Mananatiling Operational ang mga Public transportation sa kasalukuyang kapasidad at protocols na ipinatutupad ng Department of transportation.

*Pinapayagan ang Indoor Dine -In Services sa 20% Venue or seating Capacity habang ang Outdoor  Or Al fresco ay maari sa 50% Venue or Seating Capacity

*ang mga Outdoor Tourist attractions ay maaaring mag operate sa 30% capacity kasabay na mahigpit na pagsunod sa Minimum Public Health standard.

*Pinapayagan ang specialized markets ng Department of tourism ksabay ng pagsunod ng Minimum public Health Standards.

*ang mga Religious gatherings at pagtitipon katulad ng necrological Service gaya ng lamay at libing para sa namatay sa covid19 ay pinapayagan sa 10% Venue Capacity.

*Pinapayagan ang mga Non -Contact-Outdoor sports.

*Ang mga personal care services gaya ng BEAUTY SALON,PARLOR, BARBERSHOP, at NAIL SPA ay maaring mag operate ng 30% capacity tanging mga serbisyo kung saan makakapagsuot ng mask salahat ng oras ang client at service provider ang pinapayagan.

* Ang mga Individual na nasa edad  sa pagitan ng 18-65 years old lamang ang pinapayagang lumabas ng kanilang mga tirahan.

Narito naman ang mga hindi pinapayagan  na mga Sumusunod:

*ENTERTAINMENT VENUES, BARS, CONCERT HALLS.

*RECRETIONAL VENUE; INTERNET CAFE, BILLIARDS HALLS, ARCADES.

*AMUSEMENT PARKS, FAIRS, PLAYGROUNDS, KIDDIE RIDES.

*INDOOR SPORTS COURTS AND VENUE AND NDOOR TOURIST ATTRACTIONS.

*VENUES PARA SA MGA MEETING, EXHIBITIONS AT CONFERENCE.

*INTERZONAL TRAVEL MULA SA LABAS NG NCR PLUS BUBBLES MALIBAN NA LANG SA MGA AUTHORIZED PERSONNEL.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN MAY PENSION MAN O WALA!

CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF SSS 1K INCREASE BY SENIOR CITIZEN PARTYLIST

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA