4TH WAVE NA FOOD BOX GROCERIES AYUDA NI MAYOR ISKO SA MGA TAGA MAYNILA

 



Alam mo ba na ang Lungsod ng Maynila sa Pamumuno ni Mayor Isko Moreno ay may Programa ngayong sa kasagsagan ng pandemya?

Alam mo ba hindi lang isang buwan ito ipapamahagi kundi sa loob ng anim na buwan?

Alam mo rin ba na kahit hindi ECQ ay ipinamamahagi ito sa lahat ng mga pamilya sa maynila.

UU totoo nga ang programang ito na lubos na ikinasaya ng mga taga maynila at ikinabilib ng buong pilipinas.

Ang lungsod ng Manila sa Pamumuno ni Mayor Isko Moreno ay Naglabas ng pondo sa mahigit na P3billion pesos para sa Programang tinatawag na "FOOD SECURITY PROGRAM" para sa lahat ng pamilyang taga maynila.

Ang FOOD SECURITY PROGRAM ay sinimulan ang 1st tranche noong buwan ng pebrero 2021 at ngayong sa kasalukuyan ng buwan ng Mayo ay nasa 4th wave na sila ng pamamahagi nito.

Mahigit 800,000 na pamilyang pilipino na taga maynila ang makakatanggap ng food pack sa loob ng anim na buwan na kung saan ipinamamahagi ito ng kanilang mga barangay officialls sa ibat ibang distrito sa maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno ang Programang FOOD SECURITY PROGRAM ay hindi lang para sa mga comminity quarantine na nangyayari sa kanilang lungsod, ang isa sa layunin ng prorgramang ito ay matulungan ang mga taga maynila na lubos na naapektuhan ng epekto ng pandemya sa kanilang lungsod.

Dagdag pa niya:

"Gaya ng paulit-ulit  kong sinasabi, kailangan ko ang tulong ninyong lahat. Walang magmamalasakit sa Maynila kundi tayo ding mga Batang Maynila. Manila, God first!"

Noong unang bugso ng ayudang ito sa maynila ay tila maraming mga hindi nabigyan sa kanilang mga barangay dahil idinadahilan ng ibang barangay officials na mga botante  lamang ng manila ang mabibigyan , kayat nakarating ang ganitong sistema ng pamimigay kay Mayor Isko Moreno.

Pagkatapos matanggap ni Mayor Isko Moreno ang ganitong mga sumbong, ay naglabas siya ng a importang anunsyo sa social media at  official webiste ng manila  public office at sianabi niya na.



Mananagot sa kanya ang mga Barangay Officials na namimili ng bibigyan , sabi ni Mayor isko na ang ayudang ito ay para sa lahat ng nasa maynila, botante ka man o hindi, ano man ang antas mo sa buhay bsta nasa maynila ka ay bibigyan ka.

dagadag pa niya na sinobrahan na niya ang bilang ng mga food pack para sa mga wala sa listahan ng kanilang mga barangay.

Isang nakakahangang programa ng isang lungsod na kung saan ramdam mo ang malasakit ng iyong mayor lalong lalo na sa oras kagipitan at pandemya.

Sana  maging isang ehemplo si Mayor isko Moreno sa Ibang nasa pwesto na magbigay ng ayuda na hindi lang ayuda, isang ayuda na nararamdaman ng kaniyang nasasakupan.


__________
BY: VINZ WORLD
BLOGGER


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN MAY PENSION MAN O WALA!

CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF SSS 1K INCREASE BY SENIOR CITIZEN PARTYLIST

UNIVERSAL SOCIAL PENSION PARA SA LAHAT NG MGA SENIOR CITIZEN! MAY PENSION MAN O WALA